Ang kagandahan mo ay basura sa aking paningin
dahil walang halaga sa akin ang ung panlabas na anyo
subalit ginintuan ka sa aking puso
dahil nadarama ko ang ung kagandahang panloob
na hindi natatanaw ng aking mga mata!
Thursday, November 11, 2010
Hanggang Tingin na Lang Ba?
Di mo ba nadarama
Kung gaano ka kahalaga
Na sa bawat kilos mo
Hinahaplos ka ng aking mga mata.
Hindi lumabas ang tinig
Idinadaan na lang sa titig.
Na kahit uminom ng tubig
Hindi ko masagi ang ung bibig.
Kung gaano ka kahalaga
Na sa bawat kilos mo
Hinahaplos ka ng aking mga mata.
Hindi lumabas ang tinig
Idinadaan na lang sa titig.
Na kahit uminom ng tubig
Hindi ko masagi ang ung bibig.
GUSTO
Gusto kong sumakay sa yong isipan at magduyan ng walang humpay sa yong puso habang sabay tayong iindayog sa saliw ng musikang nagsasabing mahal mo rin ako!
NAIS
Nais kong ibuhos ang balumbon ng aking mga ulap sa yong tigang na bukirin... bagaman ika'y nasa buwan pa lamang ng pamumukadkad ng bulaklak, at ng paglulunti ng paligid sa pagpatak ng ulan! Patawarin mo ako sa daluyong na nag-aalimpuyo sa aking dibdib na sadyang hindi ko mapigilan.
PUTIK
Ika'y mistulang putik,
na sa titig mong malagkit,
puso ko ay naantig,
at walang tigil sa pagpintig!
na sa titig mong malagkit,
puso ko ay naantig,
at walang tigil sa pagpintig!
Subscribe to:
Comments (Atom)
