Ang kagandahan mo ay basura sa aking paningin
dahil walang halaga sa akin ang ung panlabas na anyo
subalit ginintuan ka sa aking puso
dahil nadarama ko ang ung kagandahang panloob
na hindi natatanaw ng aking mga mata!
Thursday, November 11, 2010
Hanggang Tingin na Lang Ba?
Di mo ba nadarama
Kung gaano ka kahalaga
Na sa bawat kilos mo
Hinahaplos ka ng aking mga mata.
Hindi lumabas ang tinig
Idinadaan na lang sa titig.
Na kahit uminom ng tubig
Hindi ko masagi ang ung bibig.
Kung gaano ka kahalaga
Na sa bawat kilos mo
Hinahaplos ka ng aking mga mata.
Hindi lumabas ang tinig
Idinadaan na lang sa titig.
Na kahit uminom ng tubig
Hindi ko masagi ang ung bibig.
GUSTO
Gusto kong sumakay sa yong isipan at magduyan ng walang humpay sa yong puso habang sabay tayong iindayog sa saliw ng musikang nagsasabing mahal mo rin ako!
NAIS
Nais kong ibuhos ang balumbon ng aking mga ulap sa yong tigang na bukirin... bagaman ika'y nasa buwan pa lamang ng pamumukadkad ng bulaklak, at ng paglulunti ng paligid sa pagpatak ng ulan! Patawarin mo ako sa daluyong na nag-aalimpuyo sa aking dibdib na sadyang hindi ko mapigilan.
PUTIK
Ika'y mistulang putik,
na sa titig mong malagkit,
puso ko ay naantig,
at walang tigil sa pagpintig!
na sa titig mong malagkit,
puso ko ay naantig,
at walang tigil sa pagpintig!
Tuesday, June 29, 2010
Di na Kailangan
Kung ako'y iyong mamahalin ay hindi mo na kakailangan ng panty at bra dahil ang aking mga bisig ang yong magsisilbing proteksyon kung ikaw ay nalalamigan at papawiin ko ng aking mga maiinit na yakap at masaganang halik ang nginig ng katawan na iyong nararamdaman.
Sa Dulo ng Bahag-hari
Sa tuwing nakikita kita ay mistulan akong nahihimbing sa aking napakasarap na panaginip na wari bagang pakiramdam ko ay narating ko na ang hangganan ng aking mga pangarap sa dulo ng bahaghari na kung saan ay nais kong marating ang pinakasentro ng ung puso at tuluyang manahan ang ung alaala sa aking diwa na ikaw ang laman.
Friday, March 5, 2010
BANGKA at SAGWAN
HANDA akong maging BANGKA
Huwag ka lang LUMUBOG.
HANDA rin akong maging SAGWAN
na SASALUHIN lahat
ang HAMPAS ng ALON
para IKAW ay UMUSAD!
Huwag ka lang LUMUBOG.
HANDA rin akong maging SAGWAN
na SASALUHIN lahat
ang HAMPAS ng ALON
para IKAW ay UMUSAD!
ULAP at ULAN
IKAW ang ULAP
at AKO ang ULAN
na kahit na anong ORAS
handa akong MALAGLAG
kung para lang sa 'yo
AKO ang MAKAKAGAANG!
at AKO ang ULAN
na kahit na anong ORAS
handa akong MALAGLAG
kung para lang sa 'yo
AKO ang MAKAKAGAANG!
Wednesday, February 24, 2010
Txt Kowts 2
GAUOD man ako na WALANG HALAGA at MALIIT ang TINGIN ng IBA, pero para sa u na isang mabangong BULAKLAK, handa akong magpalit anyo at maging PARU-PARO upang protektahan kita laban sa mga samo't saring mapamuksang PUTAKTE at KULISAP.
ILILIHIS ko ang HAMPAS ng malakas na HANGIN at SASAHURIN ng aking PALAD ang masaganang PATAK ng ULAN at ipinapangako na di muling DADAMPI ang LUHA sa ung mga MATA.
ILILIHIS ko ang HAMPAS ng malakas na HANGIN at SASAHURIN ng aking PALAD ang masaganang PATAK ng ULAN at ipinapangako na di muling DADAMPI ang LUHA sa ung mga MATA.
Monday, February 22, 2010
txt kowts
Nag iisip ako ng kung bibigyan ako ng KAKAYAHAN na IMPOSIBLE, naisip ko na sana ay TUMATAGOS ang PANINGIN ko sa kahit anong bagay para makita ko ang iyong KATAWAN. Subalit hindi ko kailangang makita ang iyong katawan kung hindi ko naman makikita ang iyong PUSO na ako ang LAMAN.
Me kasabihan nga na PULUTIN ang MABUTI at ITAPON ang MASAMA. Pero kung ikaw ang magiging MASAMA, patuloy pa rin kitang PUPULUTIN dahil hindi kita kayang ITAPON.
AYAW kong MATULOG, dahil gusto kong laging nakabukas ang aking mga MATA na IKAW lang ang laging nakikita dahil pag NATULOG ako baka ang MAPANAGINIPIN ko lamang ay IBA.
Me kasabihan nga na PULUTIN ang MABUTI at ITAPON ang MASAMA. Pero kung ikaw ang magiging MASAMA, patuloy pa rin kitang PUPULUTIN dahil hindi kita kayang ITAPON.
AYAW kong MATULOG, dahil gusto kong laging nakabukas ang aking mga MATA na IKAW lang ang laging nakikita dahil pag NATULOG ako baka ang MAPANAGINIPIN ko lamang ay IBA.
Subscribe to:
Comments (Atom)
